My Top 5 'Buti na Lang!' Moments When I Traveled Solo

As you can probably tell (or not) from the title of this blog post, Taglish ito because...why not? Gusto ko lang! Para maiba naman. There's always a first time, pero limited edition lang ito kumbaga. Wow! haha

I remember nung nag-travel ako for 32 days nang solo, twice lang ata ako nakapag-Tagalog: when I met up with fellow travel blogger, Joshua, in Chiang Mai, and nung inampon ulit ako ni Riz when I went to KL. Hindi naman ako naubusan ng English pero nag-level up ang charade skills ko. :p

Anyway, ano nga ba ang ikkwento ko? Ahh, yung mga bagay na buti na lang ginawa ko nung bumyahe akong mag-isa. 

Kung inaakala mong ang post na ito ay isa sa mga 'quit-your-job-and-travel-the-world' posts, pwes, nagkakamali ka. Masyado nang gasgas yun. At sinasabi ko sa 'yo, maganda lang yan pakinggan sa simula pero pag hindi ka na makabili ng kape sa Starbucks na dati eh inaaraw-araw mo, babalik ka rin sa corporate world. *evil laugh*


Nag-eemote sa Traders Hotel

So anong kahibangan nga ba ang pumasok sa utak ko at nag-byahe ako nang mag-isa sa loob ng isang buwan? Actually, hindi ko naman talaga deliberately pinlano yan. Kasama ko dapat si Natz. Sa totoo lang, nag-pitch pa kami ng project sa travel crowdfunding site na Trevolta pero waley. hahaha Eh nakabili na rin naman ako ng mga ticket at di pa ko naka-byahe ng solo so bakit hindi ko i-try? 

Eto ang mga naganap nung umalis akong mag-isa...


1. Buti na lang complete ang documents ko!

Hindi naman sa first time kong ginawa ito. Actually, every time naman na babyahe ako, naka-print out na lahat ng tickets, lodging reservations, itinerary, map etc. at nag-iiwan ako ng isang copy sa bahay tapos yung 2 copies, isa sa hand carry ko, at isa sa mas malaking bag. 

Pero dahil na-anticipate ko na ngang mas paghihigpitan ako dahil mag-isa lang akong aalis at wala akong company ID na maipapakita (in case hanapan ako) bilang work from home ako, sinigurado ko talagang meron akong proof na babalik ako ng Pilipinas.

So eto na ang eksena sa immigration nung paalis na ako:

Me:  Good morning! *hands over passport and boarding pass with a smile*
IO:   Sinong pupuntahan mo sa Bangkok? (‘Sino?’ talaga, teh?)
Me:  Wala po. Mag-tutour lang.
IO:   Mag-isa ka lang ba?
Me:   Yes
IO:   Kailan ka babalik?
Me:  Sa August 12 (umalis ako July 12)
IO:   Asan ang return ticket mo?
Me:  *hands over copy of Bali to Manila e-ticket*
IO:   Sinong pupuntahan mo sa Bali?
Me:  *looking puzzled* (Sino na naman, ate???) Wala po
IO:   Anong gagawin mo dun?
Me:  Mag-rereview po ng hotels. (okay, na-force na kong gamitin ang blogger card dito dahil ayaw akong tantanan ni ate)
IO:   Saang hotel?
Me:   *at dahil naiirita na ko, binigay ko na lahat ng print outs ng hotel booking confirmation, certificate of employment, DTI permit, proof of purchase at suking tindahan*
IO:   *stamps passport* Next!

Sa isip ko, gusto kong hambalusin si ate ng mga documents habang sinasabi ang mga katagang...


Syempre hindi ito totoo. Hello, naka-promo ticket nga lang ako eh!

Pinigilan ko ang sarili ko dahil sa kanya pa rin nakasasalalay ang pag-alis ko. Hindi pwedeng mag-Anne Curtis at lalong-lalo nang hindi pwedeng mag-ala Claudine Barretto at gumawa ng eksena.

Nakaka-stress si ate sa umaga! Never pa akong tinanong nang pagkarami-rami ng IO sa lahat ng overseas trips ko. So ganito pala talaga kahirap umalis ng Pilipinas lalo na kung babae ka at nag-iisa ka lang. 

Kaya para sa mga female solo travelers, kalma lang, have presence of mind at siguraduhing kumpleto ang inyong travel documents.


2. Buti na lang nagdala ako ng ATM!

Oo na, dati ko pa dapat ginawa ito! 

Before kasi, laging USD dinadala ko tapos ipapalit ko na lang sa local currency pagdating ko sa destination ko. This time, nagdala lang ako ng konting USD, and nung naubos na, ATM na lang ginagamit ko.

By the way, BPI International yung ATM ko, and take note, kailangan munang itawag sa BPI para ipa-activate ang international withdrawal. Others would suggest UnionBank EON. Edi kung saan kayo masaya! Mas gusto ko lang ang BPI kasi I get my PayPal funds within a day or two most of the time. Keri na kahit may Php150.00 na wire transfer fee. 

Ayan, na-sidetrack na ko.

Mas convenient magdala ng ATM kasi pag nag-withdraw ka, automatic na in local currency. Try niyo kaya magbilang ng daanlibong Laotian Kip at Indonesian Rupiah! Nakakalito sa dami ng zero kaya pwede pa kayong magulangan ng money changer. 

Isa pa, nung may kamangmangan moment ako dahil sakto na lang pala pera kong pang-taxi from Seminyak to airport, nalimutan kong meron pa nga palang IDR200,000 na departure tax sa Bali airport! Nag-message agad ako sa mommy ko para mag-deposit ng pera sa bank, and nakuha ko rin within the same day!

FYI: hindi ito sponsored post.

3. Buti na lang I packed light!

Okay, fine, hindi 7 kilos or less ang dala ko; 7 kilo-ish yung backpack pero may dala rin akong cross-body bag na laman ang 1 kilo na DSLR ko and 2.5 kilos na laptop (kailangan ko kasing mag-work habang nagbbyahe). Anyway, naitawid ko naman silang pareho bilang carry-on.

Kung feeling mo magmumukha kang hardcore backpacker pag nagdala ka ng 60L backpack, pwes, feeling mo lang yun! Baka magmukha ka lang 5th member ng Teenage Mutant Ninja Turtles. hahaha Wag mong tularan ang mga western backpackers na kelalaki ng mga backpack pero bihira namang maligo o magpalit ng damit!

So eto na yung eksena na na-appreciate ko na konti lang dala kong gamit.

Nag-take kasi ako ng 2-day slow boat from Chiang Mai to Luang Prabang (ewan ko ulit bakit ko ginawa ito). Malapit na kami sa dock, and ang saya kasi maaraw at kita ang karsts. Ang lakas maka-Palawan! Pero wala pang 5 minutes, nagdilim ang kalangitan at nag-zero visibility. Nakakaloka! Yun pala, parating na si Typhoon Rammasun! Anak ng! Nag-panic ako ng very, very light kasi feeling ko talaga itataob ng hangin yung boat namin. Mabuti naman after a few minutes, tumigil na rin siya.

Okay na sana kasi makakababa na kami ng boat. Nung makita ko yung aakyatin namin para makasakay ng tuktuk, gusto kong maglupasay! Ito lang naman siya...


'New' Luang Prabang dock
photo borrowed with permission from www.wanderingwords.co.nz

Pagbaba ng boat, tawid ka muna sa isang makitid na piraso ng kahoy (hindi yung nasa picture sa taas. May isa pang maliit na kahoy after that) kasi hindi makadikit masyado yung boat sa pampang. Best in balancing act ang kailangan dito. Tapos eto na nga, kailangan mong mag-hike ng konti bago ka makarating dun sa part na may hagdan. Kumusta naman! Basa pa nga yung lupa dahil kadadaan lang ng bagyo. Para siyang isang obstacle sa Takeshi's Castle!


Wala kang choice dito! Either gumapang ka sa lusak ang drama mo o mahulog ka sa Mekong River. hahaha

Pero seryoso, nakaka-disgrasya siya. May isang guy na nadulas at naitukod ang kanyang elbow kaya ayun, nakita ko siya the next day sa town na naka-sling.

So yes, it pays to leave the kitchen sink at home. Only bring the essentials and do the laundry.

Kung may nakalimutan ka naman, please be a considerate traveler at wag kang mangatok ng dorm rooms nang alas-onse ng gabi para magtanong kung sinong may hairdryer. True story.

4. Buti na lang nag-aral ako ng basic phrases in the vernacular!

You know how Filipinos go gaga when foreign celebrities say “Mahal ko kayo!” kahit na alam naman nating lahat na scripted yan? hahaha Well, ganun din pag nag-bbyahe ka abroad. Natutuwa sila kapag nag-eeffort ka to greet or thank them in their language. 

Sa Bali, tuwang-tuwa sila pag sinabi kong "Matur suksma" which means "Thank you." 


Nung mag-eexit na ko ng Thailand to cross to Laos, binati ko yung IO ng "Sawasdee krap". Muntik na ko tumambling nung sumagot siya ng "Magandang umaga." haha

At dahil madalas akong mapagkamalang local, nakalusot ako one time sa entrance fee. 

Pumunta kami ng guide/driver ko sa Ulun Danu Bratan sa Bali. Mag-restroom daw muna siya and hintayin ko siya sa ticket booth. Si kuya na nag-iissue ng ticket may sinabi in Bahasa, at kahit hindi ko naman siya naintindihan, sabi ko "satu" (one). Binigyan ako ng ticket tapos nagbayad ako ng IDR100,000. Ang alam ko kasi IDR30,000 yung entrance fee. Binigyan ako ng sukli na IDR90,000 - ibig sabihin, chinarge niya ko ng local rate. Ilang beses akong nag-try lumusot as a local sa Prambanan at Borobudur (pasensiya na, Dorang gipit ako. Ang mahal kaya ng entrance fee for foreigners!), pero di pumasa. Nung hindi na ko nag-effort, saka naman ako nakalusot! haha

Kaya don't worry kung di mo ma-pronounce nang tama, ang importante, nag-effort ka.

5. Buti na lang I traveled slowly!

Oo na, cliche na kung cliche, pero yung totoo di na talaga kaya ng katawan ko ang mga Amazing Race na byahe. Signs of aging pala! hahaha

Pero seriously, ang sarap ng di kailangang gumising nang maaga, walang sinusundang itinerary at pwedeng gawin lang kung anong feel mong gawin that day kasi yun naman ang point kung bakit ka nag-bbyahe: para ma-relax at hindi ma-stress lalo.

May days na nag-ttour ako the whole day and may days namang nagpapahinga lang ako. It helped kasi hindi bugbog ang katawan ko, therefore, hindi rin ako nagkasakit while on the road, which is probably one of the worst things that can happen to a traveler.

Lastly, mas na-enjoy ko yung mga napuntahan ko because I was able to spend more time sa bawat lugar.


K

For real time travel updates and more photos, please 'Like' my Facebook page  and follow me on Twitter and/or Instagram. Happy travels!

Find this blog post helpful? Please share it using one of the buttons below.

Comments

  1. Sali tayo sa Takeshi's Castle, sis. Or yung tropang sabog na lang pasalihin natin habang pinapanood natin sila. Bahahahaha. 3:)

    "Lastly, mas na-enjoy ko yung mga napuntahan ko because I was able to spend more time sa bawat lugar." -Sinasabi ko sa'yo signs of aging na yan. Ganyan na din ako ngayon. Bahahaha. 3:)

    Lastly,
    mas na-enjoy ko yung mga napuntahan ko because I was able to spend more
    time sa bawat lugar. - See more at:
    http://www.excursionista.net/2015/05/my-top-5-buti-na-lang-moments-when-i_20.html#sthash.wpIYYrAg.dpuf
    Lastly,
    mas na-enjoy ko yung mga napuntahan ko because I was able to spend more
    time sa bawat lugar. - See more at:
    http://www.excursionista.net/2015/05/my-top-5-buti-na-lang-moments-when-i_20.html#sthash.wpIYYrAg.dpuf
    Lastly,
    mas na-enjoy ko yung mga napuntahan ko because I was able to spend more
    time sa bawat lugar. - See more at:
    http://www.excursionista.net/2015/05/my-top-5-buti-na-lang-moments-when-i_20.html#sthash.wpIYYrAg.dpuf

    ReplyDelete
  2. Parang mas gusto ko silang isali sa Hunger Games para mawala na silang lahat bahahaha 3:)


    Alam mo na, pang-Skelan party na lang tayo hahaha Kasama na nga sa travel essentials ko ang isang pack ng Salonpas eh.

    ReplyDelete
  3. Nasa likod na aco ngaun ng Berjaya times square. Umeksena ka na ulet ditey!
    Tlaga naloka aco jan sa akyatan na yan. pede pa sana kung pababa eh. para igulong na lng aco direcho sa mekong haha!

    Suma satu satu kapa ah. haha. epektib nga yang mga pagpapanggap.
    infairness natuwa aco d2 sa post na to. pede kana maging comediante teh haha...

    Iba talaga pag tagalog nakakatuwa. tuwang tuwa tlga aco eh di wow! haha

    ReplyDelete
  4. Wag kang mag-alala, eeksena ulit akes jan...pag wala na nagbabagsakan at nawawalang eroplano huhu


    Hahaha hindi ako handa sa akyatan part na yan. Nagpaka-parasite na lang ako at nakihawak sa ibang umaakyat para di ako madulas.


    Ikaw na siyang-siya sa post na ito hahaha

    ReplyDelete
  5. Saw your blog link from GT :) Enjoyed reading your blog tawa ako ng tawa hehe :) To more happy travels! :)

    ReplyDelete
  6. Thanks for dropping by! Glad you enjoyed this post. :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts